Father Suganob, nasa ligtas na kalagayan ayon kay OPAPP Secretary Dureza

Tiniyak ng Malakanyang na nasa ligtas na kalagayan si Father Teresito “Chito” Suganob kasama ang ilang sibilyan.

Ito ang inihayag ni Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) Secretary Jesus Dureza matapos mailigtas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) habang nasa loob ng Moske Bato sa main battle area sa Marawi City.

Ayon kay Dureza, limitado pa ang pagbibigay ng impormasyon patungkol kay suganob dahil nasa critical stage pa ang kilos ng mga sundalo na tumutugis sa mga teroristang Maute-ISIS sa war zone.

Sinabi ni Dureza na maghintay na lamang ang publiko sa pormal na presentasyon ng AFP at Malakanyang kaugnay sa pagkaligtas kay Suganob.

Si Suganob na Vicar General ng St. Mary’s Cathedral ay ginawa na hostage kasama ang ilang trabahante ng mga terorista nang malusob nila ang Marawi City noong Mayo 23, 2017.

Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *