Base ng Maute group sa Marawi, hawak na ng AFP

Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Eduardo Año na tuluyan nang nabawi ng militar ang command center ng Maute group sa Marawi City.

Ayon kay Año, patuloy ang paghina ng puwersa ng teroristang grupo dahil sa matagumpay na pagbawi nila ng command at control hub ng mga ito.

Umaasa si Año na marami pang mga nakubkob na lugar ng Maute group ang kanilang mababawi sa mga susunod na araw.

Nabatid na mahigit 800 militante, tropa ng pamahalaan at sibilyan ang napatay sa gulo sa Marawi City na nagsimula pa noong Mayo 23.

Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *