Sen. Hontiveros, hindi natitinag sa bantang impeachment ni Aguirre

Hindi natitinag si Senador Risa Hontiveros sa bantang pagsasampa sa kanya ng ethics complaint at iba pang reklamo ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Ito ay matapos ipakita ng Senadora ang palitan ng text message nina Aguirre at dating Negros Oriental Representative Jacinto Paras.

Ayon kay Hontiveros, malinaw na umiiwas ang kalihim sa halip na sagutin ang tunay na isyu.

Nilinaw din ni Hontiveros  na hindi niya nilabag ang right to privacy ni Aguirre nang ipakita ang text message.

Tiniyak ni Hontiveros na handa niyang harapin si Aguirre sa Korte sakaling ituloy nito ang nasabing banta.

Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *