Sec. Aguirre, magsasampa ng ethics complaint laban kay Hontiveros

Nakatakdang maghain ng ethics complaint si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II laban kay Senador Risa Hontiveros sa susunod na linggo.

Kaugnay ito sa pagsisiwalat ng Senadora sa palitan ng text message nina Aguirre at ng isang miyembro ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).

Ayon kay Aguirre, lumabag si Hontiveros sa Bill of Rights on Privacy of Communications at Anti-Wiretapping Act.

Magsasampa rin umano ang kalihim ng criminal case at isang civil complaint laban kay Hontiveros.

Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *