PNP, handang ipahukay ang bangkay ni “Kulot”

Handang ipahukay ng Philippine National Police (PNP) ang bangkay ni Reynaldo de Guzman alyas “Kulot” na inilibing kanina sa Pasig City.

Ayon kay PNP Spokesperson Chief Superintendent Dionardo Carlos, kung sakaling may maghanap sa bangkay ay posibleng ipahukay nila ito  para muling ipasuri.

Naniniwala ang PNP na tama ang resulta ng dna test sa bangkay at dapat lamang aniya na ibalik ito sa tunay na pamilya.

Umaasa rin ang PNP na buhay pa at mahahanap si kulot para na rin sa ikabubuti ng pamilya nito.

Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *