PAO Chief Persida Acosta, binalaan ang PNP sa plano nitong pagpapahukay sa labi ni Reynaldo “Kulot” de Guzman

May babala ang Public Attorney’s Office o PAO sa Philippine National Police (PNP) sa umano’y plano nitong pagpapahukay sa bangkay ng napatay na menor edad na si Reynaldo “Kulot” de Guzman.

Ayon kay PAO Chief Persida Acosta, kung ipipilit anya ng PNP na hukayin pa ang labi ni “Kulot” sa sementeryo, ay hindi malayong maharap lang ang mga ito sa kasong administratibo.

Binira din ng PAO ang pahayag ng PNP na hindi tuli si “Kulot”.

Pinatotohanan din ng ama ni “Kulot” na anak nila ang kanilang pinaglamayan at inilibing.

Matatandaan na nanindigan ang PNP na hindi tugma ang DNA test ng mga magulang ni “Kulot” sa bangkay na natagpuang tadtad ng saksak sa Gapan, Nueva Ecija noong September 6 na inilibing naman ng pamilya Gabriel kamakailan.

Ito naman ang isa sa mga basehan ng PNP sa muli nilang pagpapahukay sa bangkay ni “Kulot”.

Nanindigan din ang PNP na hindi tuli si “Kulot” batay sa testimonya ng kapatid nito na taliwas naman sa naging laman ng PAO Forensic Report.

Sa ngayon,ay kinukuha na ng ombudsman ang buong files ng mga hawak PAO kabilang na ang kaso ng pagpatay kay alyas “Kulot”.

Nagpahayag na rin anya ang Malacañang na ang National Bureau of Investigation (NBI) na ang hahawak sa imbestigasyon sa kaso ni “Kulot”.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *