Pangulong Duterte, ‘di papatol sa hamon ni Sen. Trillanes

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya lalagda sa bank waiver tulad ng hamon ni Senador Antonio Trillanes IV upang mabusisi ang kaniyang mga bank accounts.

Sa halip, binuweltahan ni Duterte si Trillanes dahil sa pagkakaroon nito ng offshore joint bank accounts sa Chinese national kaya balewala ang nilagdaan nitong waiver kung hindi naman lalagda ang kanyang ka-joint account.

Hinamon pa niya si Trillanes na patunayan na lamang ang kanyang mga alegasyon laban sa kanya sa sinasabi nitong mga bank accounts.

Sinabi pa ni Duterte na kung mayroon siyang mga bank accounts tulad ng ibinibintang ni trillanes ay mag-re-resign siya bilang pangulo.

Samantala, ayon sa Pangulo, ilalabas niya sa mga susunod na araw ang dokumento na magpapatunay sa pagkakaroon ng offshore accounts ni Trillanes.

Bukod dito, inakusahan din ni Duterte ang Senador na sangkot sa maling paggamit nito ng Disbursement Acceleration program sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *