Palasyo, umiiwas sa P1k CHR budget na inaprubahan ng Kamara

Hugas kamay ngayon ang Malakanyang sa isang libong pisong budget sa taong 2018 na inaprubahan ng Kamara para sa Commission on Human Rights (CHR).

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang ehekutibo ang nagpapanukala ng budget pero Kongreso ang nag-aapruba ng alokasyon para sa mga departamento at tanggapan sa pamahalaan.

Ayon kay Abella, bahagi ito ng checks and balances sa sistema ng gobyerno.
Una nang inihayag ni Pangulong Duterte na galit umano ang Kongreso sa CHR kaya isang libong piso lamang ang ibinigay na budget.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *