P1k budget para sa CHR, hindi pa pinal -Diokno

Ipinaliwanag ni Budget Secretary Benjamin Diokno na hindi pa pinal ang P1k budget na ibinigay ng kamara sa Commission on Human Rights (CHR) para sa 2018.

Ayon kay Diokno, dadaan pa sa Senado ang bersyon ng Kamara at bubusisiin sa Bicameral Conference Committee bago pagtibayin bilang batas.

Hindi rin aniya bago ang ganitong insidente dahil kahit noong panahon ni dating Pangulong Cory Aquino ay may ahensya sa ilalim ng Department of Finance (DOF) ang binigyan ng pisong budget.

Naniniwala naman si Diokno na magkakaproblema ang CHR kung sakaling maaprubahan ang naturang budget dahil isa itong independent body.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *