Mga mambabatas na bumoto sa P1k budget ng CHR, pinagpapaliwanag

Hinimok ni dating Commission on Human Rights (CHR) Chairman Loretta Ann “Eta” Rosales ang mga mamamayan na mag-demand ng paliwanag mula sa mga kongresistang bumoto pabor sa P1,000 budget ng ahensya.

Sa isang panayam, sinabi ni Rosales na dapat magpaliwanag ang mga mambabatas kung bakit maliit lamang ang kumontra sa nasabing hakbang.

Paliwanag ni Rosales, ang hakbang ng Kamara ay sampal sa mamamayang Pilipino.

Aniya, hindi nasunod ng mababang kapulungan ng Kongreso ang kanilang mandato na alagaan ang interes ng mga tao kaya kawawa ang taong bayan.

Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *