Maynila, pasok sa listahan ng ‘stressful cities’ sa buong mundo

Napasama sa listahan ng ‘stressful cities’ sa buong mundo ang lungsod ng Maynila.

Batay sa isinagawang pag-aaral ng UK-based dry cleaning at laundry service na Zipjet mula sa 500, nasa ika-10 pwesto ang Maynila na nakakuha ng 8.92 na rating.

Habang nanguna naman sa listahan ang mga siyudad ng Baghdad sa Iraq, Kabul sa Afghanistan at Lagos sa Nigeria.

Sinuri ang mga ito batay sa level ng polusyon, trapiko, public transportation, green spaces at pinansyal, pisikal at mental na estado ng mga residente.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *