Estudyante, patay sa pamamaril sa loob ng isang paaralan sa Washington

Naghigpit ng seguridad ang mga otoridad sa Spokane County matapos ang insidente ng pamamaril sa loob ng Freeman High School.

Sa inisyal ng mga otoridad, sinabi ni Spokane County Sheriff Ozzie Knezovich naganap ang insidente ng pamamaril sa ikawalang palapag ng naturang paaralan.

Bitbit umano ng suspek na kinilalang si Caleb Sharpe, na isa ring high school student ng naturang paaralan ang isang handgun at rifle na nakatago sa bag nito.

Patay ang isang estudyante na tinangkapang isugod sa ospital.

maliban sa nasawi, tatlo pang estudyante rin ang isinugod sa pagamutan na ngayon ay nasa maayos ng kondisyon.

Sa ngayon, nakadetine na ang suspek sa County’s Juvenile Detention Center habang inaalam pa ng mga otoridad ang motibo nito sa pamamaril.

Naglockdown ang iba pang paaralan sa Spokane matapos mapaulat ang naturang pamamaril.

Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *