23 estudyante at 2 guro, patay sa sunog sa Malaysia

Patay ang 23 estudyante at 2 guro naganap na sunog sa Darul Quran Ittifaqiyah na isang religious school sa Kuala Lumpur

Ayon sa Kuala Lumpur’s Fire and Rescue Department, naganap ang insidente pasado alas-singko ng umaga ngayong araw

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, posibleng na trap ang mga nasawi dahil iisa lamang ang entrance ng naturang paaralan

Patunay umano dito ang natagpuang mga labi na magkakapatong.

Maliban sa mga nasawi, pitong iba ang dinala sa pagamutan na nagtamo ng sugat habang 11 iba pa ang nakakligtas

Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng sunog.

Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *