Sen. Trillanes sa PNP: ‘hanapin ang totoong ‘Kulot’

Kinuwestyon ni Senator Antonio Trillanes IV ang resulta ng DNA test na inilabas ng Philippine National Police (PNP) crime lab na nagsasabing hindi si Reynaldo “Kulot” de Guzman ang bangkay.

Sa isang panayam, sinabi ni Trillanes na kailangan pang magsagawa ng validation sa nasabing resulta para malaman kung totoo nga ito o hindi.

Aniya, mahirap paniwalaan ito dahil nababawasan na ang kredibilidad ng PNP dahil na rin sa mga kontrobersiyang hinaharap nito.

Gayunpaman, sinabi ng Senador na kung totoo man na hindi si de Guzman ang napatay ay malaking problema pa rin ito dahil isa pa rin itong brutal na krimen.

Hinamon ni Trillanes ang PNP na hanapin si de Guzman kung buhay nga ito at kilalanin kung sino ang napatay.

Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *