PNP, nanindigan na hindi talaga si Reynaldo de Guzman ang bangkay na narekober sa Nueva Ecija

Nanindigan ang Philippine National Police na hindi talaga si Reynaldo de Guzman ang bangkay na narekober sa Gapan,Nueva Ecija.

Ayon sa PNP ang hindi pagiging tuli ng bangkay na nakuha ang isa pang magpapalakas sa paniwala ng pulisya na hindi si alias ‘Kulot’ ang pinaglalamayan sa Cainta, Rizal.

Batay kasi sa impormasyon na ibinigay ng kapatid ni Reynaldo na tuli na ang 14-anyos na biktima.

Sinabi ni PNP Spokesman Chief Superintendent Dionardo Carlos, na malaking inputs sa kaso ang pahayag ng kapatid dahil ang bangkay ay hindi pa tuli ngunit si Reynaldo ay tuli na.

Idinagdag ni Carlos na dapat ipagpatuloy ang pagsisiyasat ng pulis sa naturang bangkay na lumilitaw na hindi si de Guzman.

Si de Guzman ang sinasabing huling nakitang kasama umano ni Carl Angelo Arnaiz, na napatay ng mga pulis Caloocan matapos na manlaban daw at mangholdap ng taxi driver.

 

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *