PDEA, namigay ng P5 milyon na cash reward

Namigay ng sobra sa P5 milyon na cash reward o pabuya kahapon Ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ito ay bahagi ng kanilang kampanya na naghihikayat sa mga mamamayan na i-report ang mga pinaghihinalaang drug activities sa kanilang lugar.

Ang pagbigay ng reward money ay isinagawa sa PDEA Headquarters na pinangunahan nina dating PDEA Director General at newly-appointed Customs Commissioner Isidro Lapeña at bagong Director General Aaron Aquino.

Ang mga tumaggap naman ng pabuya ay ipinakilala ng pdea sa pamamagitan ng code names lamang. Sila ay sina ‘June’, ‘Sakuragi’, ‘Kiko’, ‘Spotter’, ‘Maximus’, ‘Excellente’, ‘boi’, at ‘Bald Head’.

Ang pagbibigay ng pabuya ay kalakip ng programang operation private eye ng PDEA.

Sa nasabing programa, ang mga informants ay binibigyan ng pabuya at katiyakan na itatago ang kanilang pagkakakilanlan kapalit ng impormasyon.

Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *