Magkapatid, patay sa landslide sa Taytay, Rizal

Patay ang magkapatid na lalaki matapos ang landslide sa Barangay Dolores, Taytay, Rizal.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jude Pundal at Justil Pundal.

Ayon kay  Rizal Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Chief Engineer Elmer Espiritu, nasawi ang magkapatid matapos matabunan ng lupa ang bahay ng mga ito.

Nakaligtas ang iba pang miyembro ng pamilya na nasa loob ng bahay nang mangyari ang insidente.

Sinabi naman ni Espiritu na magpapatupad sila ng forced evacuation para maiwasan ang kaparehong insidente.

Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *