Impeachment complaint laban kay CJ Sereno, tatalakayin ngayong araw sa Kamara

Nakatakdang umpisahan ngayon ng House Committee on Justice ang impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, pabibilisin nila ang impeachment laban kay Sereno na inindorso na ng nasa apatnapu’t isang kongresista.

Bahala na anya si Sereno kung nais nitong dumalo sa paglilitis ng kaniyang impeachment na itutuloy ng kaniyang komite.

Sa ikalawang impeachment complaint ni Atty. Larry Gadon, ina­kusahan nito si Sereno ng paglabag sa 1987 Constitution sanhi ng betrayal of public thrust sa pagbili ng Toyota Land Cruiser na nagkakahalaga ng P5.1 milyon na ang totoong presyo ay nasa P4.5 milyon lamang.

Gumasta pa umano si Sereno ng P3 milyon para maipa-bullet proof ang nasabing behikulo.

Samantala, isusunod naman ng Justice Committee ang impeachment complaint laban kay Comelec Chairman Andres Bautista.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *