7 sa 13 na nawawala sa Laguna, natagpuan na

Nailigtas na ang 7 sa 13 katao na napaulat na nawawala sa Calamba City, Laguna.

Kabilang sa mga nasagip ay mga bata.

Ayon sa ulat, inanod ang bahay ng mga biktima nang magkaroon ng flashflood sa Barangay Parian.

Patuloy naman pinaghahanap ang anim na iba pang nawawala.

Dahil sa insidente, agad nagpatupad ng forced evacuation ang lokal na pamahalaan ng Calamba sa mga residente na nakatira malapit sa ilog.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *