6.5 milyong pamilya sa Florida, apektado ng hurricane ‘Irma’

 

Umaabot sa halos 6.5 milyong mga tahanan sa Florida ang wala pa ring kuryente matapos maminsala ang hurricane ‘Irma’.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang relief operations at inaayos na din ang mga linya ng kuryente bagamat marami pa rin ang stranded.

Ilan sa mga pinakamalalang natamaan ng hurricane ay ang Florida Keys at kanlurang bahagi ng Estado ng America na naramdaman ang Category 4 na hagupit nito.

Samantala, ayon sa National Hurricane Center, asahan pa rin ang patuloy na malakas na buhos ng ulan sa mga bahagi ng timog-kanluran.

Hindi na rin ipinagpatuloy ang babala ng storm surge at tropical storm warnings.

Naitala na rin ang apat na nasawi dahil sa bagyo sa Florida, at noong nakaraang linggo naman ay may tatlumpu’t pito ang nasawi sa Caribbean Islands.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *