5 miyembro ng Maute, patay sa Marawi

Patay ang limang miyembro ng Maute group matapos makaengkwentro ng tropa ng militar sa Marawi City.

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng clearing operation ang Marines sa isang gusali nang maganap ang bakbakan.

Narekober ng militar ang dalawang bangkay ng Maute, mataas na kalibre ng armas, night vision goggles at improvised explosive device.

Sa huling tala ng Armed Forces of the Philippines (AFP), higit animnaraan na ang nalagas sa panig ng Maute habang nasa 145 naman sa tropa ng pamahalaan.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *