War on drugs campaign ng Duterte admin, sinasabotahe – House Speaker

Iginiit ng mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi umano kagagawan ng administrasyon ang extra judicial killings sa bansa.

Ito ang reaksyon ni House Speaker Pantaleon Alvarez matapos ang sunod-sunod na pagkamatay ng ilang kabataan kagaya nina Kian Loyd delos Santos, Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo de Guzman.

Ayon kay Alvarez, ibang grupo umano ang gumagawa nito para sirain lamang ang administrasyon.

Sinabi ng House Speaker na kanila na umano itong pinaiimbestigahan bagama’t hindi naman direktang tinukoy kung anong grupo ang sinasabing nasa likod ng paninira sa kasalukuyang administrasyon.

 

 

 

Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *