Trillanes, pinuna ang pasaring ni Pimentel na sinasayang ang oras ng Senado

Naghahanda na si Sen. Antonio Trillanes sa pagsasampa ng ethics complaint laban kay Sen. Richard Gordon.

Sa panayam, sinabi ni Trillanes na posibleng ngayong linggo o sa susunod na linggo ay kaniya nang maihahain ang ethics complaint laban kay Gordon.

Samantala, binuweltahan din ni Trillanes si Sen. Koko Pimentel sa patutsada nitong sinayang lang daw nito ang oras ng imbestigasyon dahil nililihis ang isyu.

Ayon kay Trillanes, nalulungkot siya dahil ginagawa lahat ng kapwa niya senador ang lahat para maabswelto ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

Dagdag pa ni Trillanes na magaling daw mag-abogado ang mga kapwa niya senador sa pamilya ni Duterte.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *