Senate investigation sa Kian at Carl Angelo killings sa Caloocan, aprubado ng Palasyo

Suportado ng Malakanyang ang ikinakasang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa magkakasunod na pagkakapatay ng mga miyembro ng Caloocan City Police kina Carl Angelo Arnaiz at Kian Lloyd delos Santos.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, kaisa sila sa pagkondena sa kalunus-lunos na sinapit ng dalawang kabataan.

Ayon kay Abella, nakahanda ang gobyerno at mga kinauukulang opisyal na dumalo at makipagtulungan sa imbestigasyon.

Ito ay matapos umani ng pangkondena ang nasabing pagpatay dahil lumalabas umano na sinadyang patayin ang dalawa at walang kalaban-laban.

Matatandaan na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos sa Department of Justice na imbestigahan ang insidente para makamit ang hustisya at mapanagot ang sinumang nagkasalang pulis.

Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *