Sen. Trillanes, handang isapubliko ang kanyang bank accounts

Nakahanda umano si Sen. Antonio Trillanes na lumagda sa isang waiver para mabuksan ang kanyang bank accounts.

Ito ang pahayag ni Trillanes kasunod ng paratang ni Pangulong Rodrigo Duterte na may tinatagong yaman daw siya sa ibang bansa.

Sinabi ni Trillanes na pipirma siya ng isang waiver para sa kanyang karapatan sa bank Secrecy Law sa oras daw na makakuha siya ng detalye kaugnay sa alegasyon laban sa kanya ni Pangulong Duterte.

Una rito, nagbanta si Pangulong Duterte kay Trillanes na isisiwalat ang umano’y bank deposits nito sa ibang bansa, kabilang na ang China, Hong Kong, Australia at America, na mariin namang pinabulaanan ng Senador.

Ayon kay Trillanes, paraan lamang ito ni Duterte upang lihis ang atensyon ng publiko kaugnay sa alegasyon na kanyang ibinulgar laban sa presidential son at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

Matatandaan na ang nakababatang Duterte ay nasasangkot sa korapsyon at smuggling ng P6.4 bilyong hlaga ng shabu sa Bureau of Customs.

 

 

Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *