Kwento ng taxi driver sa Carl Arnaiz killing, ‘parang stage play ang pagkakapatay’

Lumutang na ang taxi driver na si Tomas Marleo Bagcal na umano’y hinoldap ng napatay ng Caloocan City Police na si Carl Angelo Arnaiz.

Sa press briefing, kinumpirma ni Bagcal na naging biktima nga siya ng panghoholdap ni Arnaiz noong Agosto 18.

Sinabi ni Bagcal na buhay niyang dinala sa himpilan ng pulisya si Arnaiz at pagkatapos ay hindi na niya alam ang eksaktong mga kaganapan.

Ayon kay Bagcal, hindi niya matiyak kung nanlaban nga si Arnaiz dahil nakarinig lamang siya ng sunud-sunod na putok ng baril kasunod ng pagtambad nang wala ng buhay na katawan ng binata.

Kasabay nito, iginiit niya na isa lamang ang nangholdap sa kanya bilang paliwanag sa magkaibang pahayag nito sa dalawang affidavit sa Caloocan Police.

Ipinakita pa nito sa media ang sugat na matatagpuan banda sa kanyang pulso na natamo raw niya nang hinoldap siya sa Caloocan.

Bilang pagtatapos, sinabi nito na parang stage play o scripted ang pagkakapatay kay Carl Arnaiz at handa siyang humarap sa imbestigasyon ng Senado.

Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *