Hurricane ‘Irma’ tumama  na sa Florida Keys

Naglandfall na sa Cudjoe Key sa lower Florida Keys ang Hurricane ‘Irma’.

Mayroon itong lakas na dala na 130 milya kada oras matapos na itaas uli sa category 4.

Nagdulot dito ito ng malawakang pagbaha at kawalan ng suplay ng kuryente sa lugar.

Maging ang miami-dade police department ay hindi na rin rumeresponde sa mga tawag na humihingi ng tulong dahil nagtago na sila para sa kanilang kaligtasan.

Patuloy pa rin ang paglakas nito habang ito ay patungo sa malaking bahagi ng Florida.

Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *