DOJ, inalok nang tulong ang taxi driver na umano’y hinoldap ni Carl Angelo

Handa ang Department of Justice (DOJ) na isailalim sa witness protection ang taxi driver na sinasabing hinoldap umano ni Carl Angelo Arnaiz.

Ayon kay Justice Secretaty Vitaliano Aguirre II, tutulungan nila si tomas marleo bagcal basta ilahad lamang nito ang kaniyang nalalaman sa pagpatay kay Arnaiz.

Ginawa ito ni Aguirre matapos malaman na paiba-iba ang pahayag ni Bagcal sa dalawang affidavit nito.

Nauna nang sumailalim sa witness protection program ang mga magulang ni Arnaiz dahil sa sinasabing may mga umaaligid na kahina-hinalang mga indibidwal sa kanilang bahay.

Umaasa ang pamilya Arnaiz na agad maresolba ng DOJ ang kasong pagpatay sa kanilang anak.

Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *