Customs Broker Mark Taguba, tinanggalan na ng seguridad mula sa Senado

Tinanggalan na ng Senado ng security si Mark Ruben Taguba II, ang customs fixer na nagdawit sa ilang opisyal ng Bureau of Customs (BOC) sa shipment ng P6.4 bilyong halaga ng shabu mula sa China.

Sa isang panayam, sinabi ni Sen. Richard Gordon na hindi naman umano kailangan ni Taguba ng proteksiyon dahil may kaya naman ito at dating pulis din ang kanyang ama.

Pero ayon sa isang source, tinanggal sa protective custody ng Senado si Taguba ng idawit ang pangalan ni Vice Mayor Paolo Duterte sa davao group na mabilis nakakapagpalabas ng shipment sa Bureau of Customs (BOC).

Maging si Sen. Panfilo Lacson ay nagtataka kung bakit inalis sa protective custody ng Senado si Taguba ng mabanggit ang tungkol sa davao group.

Paliwanag ni Gordon na opinyon ito ni Lacson at hindi na ito kailangang sagutin ng komite.

Ayon pa kay Gordon, hindi na niya kinonsulta ang komite sa pagtanggal ng protective custody kay Taguba dahil nagkukulang na siya sa guwardiya.

Dagdag ni Gordon, hindi umano dapat bigyan ng proteksiyon ang sinungaling.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *