Mga pulis na lumabag sa mga anti-drug operation, kinasuhan na ng DOJ

Sinampahan na ng Department of Justice o DOJ ng kaso sa korte ang mga pulis at iba pang law enforcer na nakapatay sa operasyon kontra droga.

Kabuuang 19 na kaso ang naihain na ng piskalya sa mga hukuman sa ibat ibang bahagi ng bansa kaugnay ng madugong operasyon laban sa iligal na droga.

Ito ay batay na rin sa inilabas na imbentaryo ng DOJ magmula nang paigtingin ang kampanya laban sa iligal na droga nuong July 1, 2016.

Ang listahan ay mga kaso tungkol sa operasyon ng pulisya at iba pang law enforcement group na nauwi sa pagkamatay ng mga hinihinalang gumagamit at sangkot sa bentahan ng iligal na droga.

mula sa listahan, lumalabas na 71 na ang kabuuang reklamo na inihain sa ibat ibang piskalya sa bansa kung saan 45 ay mga kaso kaugnay sa lehitimong operasyon kontra droga, habang 26 naman ay mga kaso ng mga napatay sa labas ng lehitimong operasyon.

Mula sa 71 na kaso ng homicide o murder, 19 ang iniakyat na sa korte, labimpito ang nakabinbin pa sa piskalya, habang 35 naman ang nabasura.

Wala namang naitalang kaso ng collateral death kung saan ang biktima ay hindi naman target ng mga otoridad pero nadamay sa gitna ng operasyon.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *