Japan, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang Bonin Islands sa Japan.

Naitala ang pagyanig sa 770 kilometers south ng Shimoda ayon sa US Geological Survey.

Malalim ang lindol kaya hindi naman ito inaasahang magiging mapaminsala.

Wala ring inilabas na banta ng tsunami ang Japan Meteorological Agency bunsod ng nasabing lindol.

Magugunitang noong March 2011, tumama ang magnitude 9.0 na lindol na nagdulot ng deadly tsunami.

Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *