Suporta sa ethics complaint laban kay Sen. Trillanes, posible pang dumami ayon kay Sen. Escudero

 Naniniwala si Sen. Francis Chiz Escudero na posible pang tumaas ang bilang ng mg senador na sumusuporta kaugnay sa ethics complaint na isinampa ni Sen. Richard Gordon laban kay Sen. Antonio Trillanes IV.

Ani Escudero, may sapat na dahilan si Gordon na disiplinahin si Trillanes kaugnay sa mga kilos at pananalita nito sa Senado habang nagpapatuloy ang pagdinig sa P6.4 bilyon na halaga ng shabu na nasabat sa Customs.

Nauna nang dumepensa si Trillanes at pinabulaanang walang masama sa kaniyang ginawa laban kay Gordon dahil sumasagot lang daw siya sa mga katanungan ng nakaalitang Senador.

Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *