UP, pasok sa top 1000 universities ng world university rankings

Tanging ang University of the Philippines lang ang nakapasok sa ‘The Higher Education World University Rankings’ para sa taong 2018.

Mula sa 800 bracket noong 2017, nasa 600-800 bracket na ngayon ang up batay sa survey na inilabas ngayong araw Setyembre 6.

Pumasa ang natatanging unibersidad ng Pilipinas mula sa 13 performance indicators kabilang ang teaching, research, knowledge transfer, at international outlook.

Nakakuha ang UP ng over all 30.6 out of 100 points performance rating.

Samantala, nangunguna pa rin sa listahan ng The World University Rankings ang University of Oxford, na sinundan ng University of Cambridge habang nasa ikatlong posisyon naman ang California Institute of Technology at Stanford University.

Nananatili namang nangunguna sa Asia ang University of Singapore na nasa ika-22 sa pwesto.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *