Dating VP binay at anak na si dating Mayor Junjun Binay, pinapa-aresto na ng Sandiganbayan

Pinapaaresto ng Sandiganbayan 3rd Division sina dating Vice President Jejomar Binay at dating Makati Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay.

kaugnay ito ng maanomalyang paggawa ng Makati City Hall 2 na mas kilala sa tawag na Makati parking building.

Batay sa resolusyon ng anti-graft court, nakitaan ng probable cause para ituloy ang pagdinig sa kaso ng mag-amang Binay.

Damay din sa nasabing kaso ang 19 na iba pang personalidad na karamihan ay dating empleyado ng Makati City Hall.

Ang mga akusado ay nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Graft And Corrupt Practices Act, falsification of public documents at malversation of publc funds.

Itinakda naman ang arrangement sa mga nasasakdal sa darating na Setyembre 20,2017.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *