Ethics complaint laban kay Sen. Trillanes pormal ng naihain

Pormal ng inihain ni Senator Richard Gordon ang kaniyang ethics complaint laban kay Senator Antonio Trillanes IV.

Kagabi ay hinintay ng Senate Committee on Ethics and Privileges na pinamumunuan ni Senador Vicente Sotto III ang paghahain ni Gordon ng ethics complaint.

Buo ang tiwala ni Gordon na suportado ng labing apat na senador ang kaniyang ethics complaint laban kay Trillanes.

Nag-ugat ang reklamo ng tawagin ni Trillanes na “Comite de Absuwelto” ang Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Gordon at Majority Leader Tito Sotto III dahil sa akusasyon na pinoprotektahan nila si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at bayaw nito na si Attorney Mans Carpio.

Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *