Temporary shelters na itatayo sa Marawi hindi substandard

Magsisimula na ngayong Linggo ang pagtatayo ng temporary shelters para sa mga ‘bakwit’ sa Marawi. Tiniyak naman ng Office of The Civil Defense na hindi magiging substandard ang materyales na gagamitin habang culturally sensitive naman  ang disenyo para sa mga kapatid nating muslim

Magsisimula na ngayong Linggo ang pagpapatayo ng transitional shelter para sa mga internally dispalaced persons sa Marawi.

Ito ang inihayag ni Office of Civil Defense Assistant Secretary Kris Purisima sa mindanao hour press briefing sa malacañang.

Dagdag ni Purisima na paparating na ang mga gagamiting materyales sa construction na sisimulan sa darating na Sabado o Linggo.

Hindi naman magiging matagal ang pagtatayo ng transitional shelter dahil modular ito at hindi gawa sa tent dahil sa cultural sensitivity na ikinukonsidera dito na itatayo sa isang  apat na ektaryang lupain sa Marawi.

Binigyang diin ng OCD NA mataas na kalidad ang materyales at hindi substandard na gagamitin sa pagtayo ng magiging temporary shelters ng mga residente na naapektuhan sa kaguluhan sa Marawi.

Gayunpaman nagpapatuloy pa rin ang ginagawang assessment para naman sa water supply na ilalagay.

 

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *