“Shopper’s Lane” map, maagang ilulunsad ng mmda para sa holiday season

Maagang ilulunsad ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang Shoppers’ Lane map bilang paghahanda sa paparating na holiday season.

Ayon sa MMDA, may ilan pang pag uusap na gagawin ang ahensiya upang i-finalize ang naturang hakbang.

Ayon kay Celine Pialago, tagapagsalita ng MMDA, ang “Shopper’s Lane” ay bahagi ng kanilang paghahanda upang bigyang gabay ang mga motorista kaugnay sa mga alternatibong ruta na hindi na kailangang dumaan sa kahabaan ng EDSA.

Kasunod nito, ibinabala ni pialago ang mas matinding daloy ng trapiko ngayong nagsimula na ang “ber months” dahil sa kabi-kabilang repair works na isasagawa.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *