Preliminary investigation sa kaso ng menor de edad na si Kian Delos Santos, itinakda na ng DOJ

Itinakda na ng Department of Justice (DOJ) ang preliminary investigation sa kaso ng pagpaslang sa menor de edad na si Kian Delos Santos sa Caloocan City.

Ayon kay Justice Undersecretary Erickson Balmes, itinakda ang pagdinig sa Setyembre 12 at Setyembre 19.

Inaasahang dadalo ang mga sangkot na pulis na sina Chief Inspector Amor Cerillo, PO3 Arnel Oares, PO1 Jerwin Cruz at PO1 Jeremias Pereda na nahaharap sa kasong murder.

Dadalo din sa pagdinig ang mga magulang ni Kian na sina Saldy at Lorenza na nasa provisional coverage na ng witness protection program, public attorney’s office at mga kinatawan ng nbi na naghain ng hiwalay na reklamo.

Binubuo ang panel of prosecutors nina Senior Assistant State Prosecutor Tofel Austria, Assistant State Prosecutor Amanda Garcia at Associate Prosecutor Attorney Moises Acayan.

Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *