Myrtle Sarrosa, nais lumipat sa ibang network

Inihayag ni Ex-PBB Teen Edition grand winner Myrtle Sarrosa na bukas siya sa ideya ng paglipat sa ibang network.

Ayon sa teen star, naisipan niya ito dahil sa hindi pag-usad ng kanyang career pero nang matapos siyang gumraduate ay napakarami na daw umanong projects ang ibinigay sa kanya.

Samantala, hindi naman itinanggi ni Myrtle na happy siya sa kaniyang lovelife ngayon kahit na wala siyang boyfriend dahil may manliligaw naman daw umano siya.

Paliwanag ng aktres, non-showbiz ang kanyang suitor pero ito raw ay isang cosplayer sa Amerika.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *