Marahas na dispersal sa mga residente sa barangay manggahan sa Pasig City, pinaiimbestigahan ng Makabayan bloc

Pinaiimbetigahan ng Makabayan Bloc ang naganap na marahas na dispersal ng mga pulis sa mga nagprotestang grupo ng kadamay at residente ng barangay manggahan sa Pasig City.

Pinangunahan ang paghahain ng reklamo nina bayan muna representative Carlos Zarate,  Gabriela representative Emmi de Jesus at Arlene Brosas, kabataan representative Sarah Elago, Act Teachers Representative Antonio Tinio at France Castro at Anakpawis Representative Ariel Casilao.

Sa House Resolution 1265 na inihain ng makabayan bloc, pinasisiyasat ng mga ito sa House Committee on Human Rights ang marahas na pagpapaalis sa mga residente bunsod ng isasagawang demolisyon sa mga nakatira sa Manggahan, Floodway.

Iginiit sa resolusyon na ang Manggahan Floodway ay idineklarang public land at ibinigay sa mga residente batay sa Presidential Proclamation 1160 ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

Nasa dalawampung parcels o portion ng lupa ang para sa mga residente at ipinag-utos din ang pagtatayo ng medium rise at low cost housing sa lugar.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *