Los Angeles City, nagdeklara ng State of Emergency dahil sa wildfire

Nagdeklara na ng State of Emergency sa syudad ng Los Angeles dahil sa  napakalaking wildfire na sumasakop ng limanglibong ektarya.

Dahil sa takot sa wildfire, na nagmula sa La Tuna Canyon ay daan-daang residente ang lumikas sa kanilang mga tahanan sa Glendale at sa may Burbank.

Ayon sa mga otoridad, tatlong bahay ang naabo ng sunog at isang main road na tinatawag na 210 freeway ang isinara.

Sinabi naman ni Mayor Eric Garcetti, ito na umano ang pinakamalaking sunog sa syudad ng Los Angeles base sa lawak ng ektaryang naabot nito.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *