Isa sa mga lider ng Maute na si Abdullah Maute, patay na ayon sa AFP

Malaki ang paniniwala ni Western Mindanao Commander Lt. Gen Carlito Galvez na patay na ang isa sa mga lider ng teroristang grupong Maute na si Abdullah Maute.

Sa isang pulong balitaan ngayong araw sa Marawi, kinumpirma ni Galvez ang impormasyon matapos na mapag-alaman sa isang telegram na bahagi ng ginagamit na komunikasyon ng local ISIS-inpired group sa main ISIS group na patay na nga si Abdullah Maute.

bagamat Arabic ang ginamit na lingwahe sa naturang telegram nagawa itong mai-translate ng AFP upang kumpirmahin ang impormasyon ng pagkakasawi kay Abdullah Maute.

si Abdullah ang tinaguriang taga plano ng Maute terror group na siyang nasa likod ng terorismo sa Marawi City sa Mindanao.

Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *