Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog, handang makipagtulungang walisin ang mga sangkot sa iligal na droga sa kanilang lungsod

Sa kabila ng mga batikos na tinatanggap ni Ilo-Ilo City Mayor Jed Patrick Mabilog bilang protektor ng iligal na droga sa lungsod, nakahanda pa rin ang Alkalde na makipagtulungan sa mga otoridad upang walisin ang mga sangkot sa iligal na droga.

Sa katunayan, may P1 milyon na pabuyang alok ngayon ang alkalde sa sinumang makapagtuturo sa mga sangkot sa iligal na droga sa kanilang lungsod.

Matatandaang una nang binansagan ni Pangulong Duterte ang Ilo-Ilo bilang “Shabulized City” sa bansa.

Ayon pa kay Mabilog, walang nagbago sa kaniyang pagsuporta sa kampanya ng Pangulo laban sa iligal na droga bagaman kabilang ang kanilang pangalan sa mga narcopoliticians sa bansa.

Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *