Bob Arum, tumanggi na makaharap ni Jeff Horn si Terrence Crawford

Tumanggi naman si Top Rank Promotions CEO Bob Arum na makaharap ng Australian at WBO Champion na si Jeff Horn si Terrence Crawford matapos umatras ni Manny Pacquiao sa nakatakda nitong rematch.

Kinumpirma na ng kampo ni Arum na hindi matutuloy ngayong taon ang rematch sapagkat abala sa pagiging Senador si Manny Pacquiao at ito ay itutuloy na lamang sa susunod na taon.

Ayon kay Arum, hindi pa umano ganoon ka sanay si Jeff Horn kay Terrence sapagkat baguhan pa lamang ito at masyado itong malaking laban.

Nilinaw nito na hindi pa umano napapanahon upang magbanggaan kaagad ang dalawa.

Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *