Bahay ng vice mayor ng Puerto Princesa City, Palawan, sinalakay ng mga otoridad

Sinalakay ng mga otoridad ang bahay ni Puerto Princesa City Vice Mayor Luis Marcaida III.

Hinalughog ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine Drug Enforcement Group ng Philippine National Police (PNP) ang bahay ni Marcaida sa bisa na rin ng search warrant na inisyu ng korte mula sa Maynila.

Narekober sa bahay ng bise alkalde ang 30 sachet ng hinihinalang shabu rifle grenades, fragmented grenades at mga baril.

Inaresto naman ng mga otoridad si Marcaida matapos makuhanan ng mga kontrabado.

Nakatakda itong sampahan ng paglabag sa Republic Act 9165.

Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *