Anak ni dating Sen. Revilla Sr., arestado matapos mahulihan ng higit P20 Milyon na halaga ng Cytotec sa NAIA

 

 Arestado ng mga tauhan ng Bureau of Customs (boc) ang anak ni dating Senador Ramon Revilla Sr., dahil sa pagpupuslit ng gamot na Cytotec sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na ipinagbabawal ibenta sa bansa.

Kinilala ang suspek na si Ruben Bautista habang inaresto rin ang kasama nitong si Glenn More Gaddi.

Ayon sa mga otoridad, natuklasan sa bagahe ng dalawa ang mga gamot para sa ulcer at ginagamit sa abortion nang dumaan ito sa x-ray nang sila ay dumating sa bansa galing Singapore.

Nakumpiska sa dalawa ang nasa P240 milyong halaga ng mga gamot.

Dinala na ang mga suspek sa Pasay City Prosecutors’ Office para maisailalim sa inquest proceedings at sampahan ng kasong may kaugnayan sa smuggling.

Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *