US President Donald Trump, magdo-donate ng $1 Million para sa mga biktima ng bagyong ‘Harvey’

Nangako naman si US President Donald Trump na magdodonate ng $1 milyon sa mga napinsala ng bagyong ‘Harvey’ sa Texas at Louisiana.

Ayon kay Mrs. Sanders, ang secretary ng White House, gusto umano makiisa ni President Trump sa mga pagpupursige at pagkakaisa ng buong America na i-ahon ang mga biktima ng bagyo mula sa kalunos-lunos na pangyayari.

Dagdag pa nito, manggagaling umano ang isang milyong dolyar sa sariling bulsa at bank account ng Presidente.

Matatandaang si Trump ay tinatayang mayroong $10 Bilyon na estimated net worth.

Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *