Lakers pinagmulta sa iligal na pagkuha kay Paul George

Pinagmullta ang Los Angeles Lakers ng $500,000 dahil sa iligal na pagkuha kay Paul George habang may kontrata pa ito sa Indiana Pacers.

Sa statement na inilabas ng NBA, nilabag umano ng Lakers ang anti-tampering rules na nakadisenyo para maiwasan  ng mga team ang pag tap ng players sa mga kontrata.

Sa imbestigasyon na lumabas, nilabag umano ng Lakers ang regulasyong ito matapos malaman ng nakipag-ugnayan si Gen. Manager Rob Pelinka ng Lakers sa agent ni George.

Matatandaan na noong hunyo, nai-trade si George sa Oklahoma City Thunder matapos magbigay ng abiso sa Pacers na plano nitong tuldukan ang 2018 contract rito at maging free agent na lamang.

Higit pa rito, napaulat rin na nais bumalik ni George sa California para maglaro sa Lakers.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *