Isang heneral sa South Korea, nagbabala ng posibleng biglaang pag-atake ng North Korea

Nagbabala ang pinakamataas na commander ng air force ng South Korea na maaring biglang umatake at maglunsad ng ballistic missile test ang North Korea.

Ayon kay Gen. Lee Wang-Keun, kinakailangan umano magkaroon ng watertight aerospace surveillance at anti-ballistic missile posture upang maging handa rito.

Samantala, nag-inspeksyon naman ang heneral ng early operation radar dahil maari umanong mag-amok ng away ang North Korea anumang oras.

Matatandaaang bigla na lamang naglunsad kamakailan ang North Korea ng missile test na tumama naman sa hilagang karagatan ng Japan sa Hokkaido.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *