Pilipinas, tinapos ang karera sa 29th SEA Games na may 24 gold medals

 Nagtapos na ang kampanya ng Team Pilipinas sa 29th Southeast Asian (SEA) Games na nakapagbulsa lamang ng 24 gold medals.

Ito na ang pinakamababang bilang ng mga napanalunang ginto ng bansa sa loob ng halos 20 taon.

Napag-alaman na noong 1999 SEA Games, nakapagbulsa lamang ang Philippine Team ng 20 ginto.

Dumagit rin ang Pilipinas ng 33 silver at 64 bronze medals, na may kabuuang 121 medals.

Nasa ikaanim na pwesto ang Pilipinas sa final medal tally na pinaghaharian ng host country Malaysia.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *